Monday, August 22, 2016

WARAY PAHINGA!

Kung hindi lang binanggit ni Egad ang lumang simbahan ng Laoang ay hindi na talaga ako tutuloy ng Catarman.

Pero nasabi nga niya kaya hayan, gumayak ako ng alas-2:30 ng madaling araw papuntang airport para sumakay sa maliit na eroplano patungo sa maliit na airport ng Catarman kung saan ako nag-almusal ng tinolang malasugue sa halagang P90, at bumiyahe patungong Catubig.


Pagbalik ay pinagbigyan akong daanan ang lumang simbahan ng Laoang at ganito kami nakarating doon:


[1] sumakay kami ng bangka para tumawid patungo sa isla kung nasaan ang bayan ng Laoang;



[2] naglakad kami mula pier at dumaan sa kalsadang nililok mula sa ga-burol na bato;


[3] at heto na nga ang lumang simbahan, na ang luma na lang ay ang harapan dahil naretoke na nang todo ang kalooblooban:



Pero hindi ang simbahan ang ipinunta ko ng Catarman kundi ang makinig sa mga kuwento ng mga Agrarian Reform Beneficiaries, mula sa Laoang hanggang sa Catarman at Lavezares kinabukasan:




Pakagat lang 'yung lumang simbahan sa Laoang at ang sumunod pahapunan ni Egad na adobong kangkong, spicy chicken wings, at nilabog na pating, pati na ang kulay cake na simbahan ng Catarman na tinunton ko bago kami bumiyahe patungong Lavezares at Tacloban.




Tanging ang malinamnam na tinapa ng Calbayog ('tsaka pili nut at pinato] ang bumasag sa mahabang biyahe mula Catarman papuntang Tacloban.


Waray pahinga talaga!

Pero malinamnam ang chop suey, kinilaw, at laing na ibinahog namin sa malamig na beer pagdating sa Tacloban.


Kaya sige lang, biyahe pa more!

No comments: