Monday, February 01, 2016

ANG PAGBABALIK NG PANSIT

Sa totoo lang, nakakapagod ding kumain ng pansit, lalo na 'yung normal na pansit [bihon guisado, lomi, mami, canton] na nabibili kahit saan at wala namang taglay na pambihira at bago.

'Yung pansit canton na inihain ng Casa San Pablo, litson ang sahog at madaming gulay, kaya nausisa ang panlasa kahit hindi pa natutunaw ang almusal na Whooper Jr. Burger at chicken nuggets na pinatungan ng meriendang puto at palitaw.



Puede na din bagamat hindi ito maituturing na pambihira, katulad ba ng sintonadong kantahan sa videoke basta may malamig na beer at masarap na pulutan, o ng wala masayadong kuwentang ulam basta may masarap na sawsawan.



Nakakapangulila din ang lasa ng palabok basta't hindi galing ng Jollibee, kaya siguro naiwan at naibalik naman ang telepono ko ng mamalabok ako sa Tropical Hut, bagamat hindi ko na talaga mahanap ang lasa ng pansit luglug sa Santiago City na binudburan ng tinapa flakes.


Malabsang pansit ang kasama sa pananghalian ni Kuya Ading sa District Convention kaya siya marahil inantok at nakatulog.


Hindi sa pansit kundi marahil ay dahil sa hindi ako sumama sa libing ni Ate Leovy kaya ako umabot sa sa dead end at na-double float.



At walang pansitan sa Quezon pero may inilaang nilagang itlog at saging para sa 32.3 kilometrong karera.

Masarap ang adobong baboy at itlog maalat ni iginayak ni Kuya Chito pagkatapos ng karera kaya ako nakadalawang hirit, at kahawig n'ung muse 'yung serbidora sa lomihang nagsara na sa San Jose City. 


No comments: