Kay Tolits Circa at Oyet P. ko nalaman ang kuwento ni Minggan na isang higanteng na-in love sa isang dalagang nagtatampisaw sa isang batis na ang pangalan ay Maria. Ganito ang dialogue nila:
MINGGAN: "I lab you [puntong Pantabangan]."
MARIA: "I lab you din kung kakayanin mong sarhan ang daloy ng tubig sa batis bago tumilaok ang manok ng kapitbahay ninyo bukas ng madaling araw [puntong Kapampangan dahil Sinukuan ang apelyido niya]."
MINGGAN: "Call!"
Kakayanin nga ni Minggan, kinabahan si Maria dahil higante nga si Minggan at napakalaki [isipin na lang kung papaano magtsutsuktsakan ang isang higante at normal na tao], kaya sinundot niya sa puwet ang manok ng kapitbahay ni Minggan na napatilaok ng wala sa oras.
Basted si Minggan at ang bunga ng kayang unrequited love ay ang kasalukuyang Pantabangan Reservoir na inakyat ni Ariel Guieb Tangilig sa unang pagkakataon.
Pagkatapos siyempre ay ang photo ops sa Simbahan ni San Andres.
REWIND [bago si Minggan]
Nakakasanayan ko nang almusal ang Jolly Spaghetti dahil [1] madalas na mamantikang sinangag at samu't-saring timpladong karne ang almusal sa amin [2] at wala na akong kasalong kumain dahil pumasok na sila lahat pagkagaling ko sa pagbibisikleta ng week days kasi [a] napasubo ako sa inuman kagabi o [b] may utang akong isang araw ng weekend sa pagba-bike.
Hindi masyadong lumutang si Bob Marley sa aking arm warmer sa pityur ng pinakahuli konng inalmusal na Jolly Spaghetti matapos ang dakilang pagkakatuklas na ang irigasyon sa Villa Isla ay lulusot sa Cabiangan malapit sa kabayanan ng Talugtug.
FAST FORWARD [pagkatapos ni Minggan]
Si Kuya Jojo at si Bulan lamang ang rumesponde sa aking paanyayang magbisikleta dahil dadalo daw ang marami sa mga bikers sa SMILE Olympics ng Amaranth kaya nagpahatid kaming tatlo sa Rizal kung saan namin inumpisahang namnamin ang napakaseksing kurbada ng Sierra Madre na sumabay sa amin hanggang sa Simbahan ni San Francisco ng Asisi sa Bongabon...
...hanggang sa pakiwalkiwal na lansangan ng Palayan City at ang kasalukuyang ginagawang Simbahan ni Sta. Cecilia...
...bago ito tuluyang kumawala nang lamunin kami ng mga walang modong tricycle driver at karumaldumal na trapik ng Cabanatuan City --- impiyerno na aming ininda hanggang sa Katedral ni San Nicolas ng Tolentine...
...bago ang almusal na aroskaldo sa Hil-Ton at ang huling padyak patungo sa gym ng Wesleyan University of the Philippines para sumali sa SMILE Olympics ng Amaranth.
PRESENT TENSE [pinaghalong Jolly Spaghetti at Minggan]
Marunong kayang magluto si Minggan?
May pansit na kaya noon?
Siguro napasagot niya si Maria kung inalayan niya ito ng seafood pasta at pritong kamote kaysa patulan ang hamon na harangan ang batis.
Kasi mabisang pampautot ang kumbinasyon na ito at kapag nautot si Maria ay mawawala ang kabag niya at kapag nawala ang kabag ay mapagtatanto niya na bagamat higante si Minggan ay sa normal na tao lamang ang xxxx niya and therefore ay...
Ganyang mag-isip ang nasosobrahan ng Jolly Spaghetti.

No comments:
Post a Comment