Thursday, October 18, 2012

NAIWAN KO ANG PANGALAN NIYA SA BULSIKOT NG MGA ALAALA

Ngayon nga, biglaang kumatas ang ilang pirasong natira sa kanya:

     ang kutis niyang kulay nana at katawang kawangis ng    
     nililok na kandila sa Recto na sumambulat sa aking
     panatag na paglalakabay.

Sa Kawit na ako mag-aalmusal; d'un ko na din tatanungin ang sakristan kung nasaan ang tindahan ng Jollibee;


     at kung si Aguinaldo nga ba ang tumuklap sa mga pader

     ng simbahan;



     kung nangumpisal na si Don Ramon sa simbahan ng 
     Imus;



     at kung bakit nag-cha-cha ang pari sa altar ng retokadong
     simbahan ng Silang.



(Madalang na daw ang hindi buntis na ikinakasal ang wika niya.)

Pero sumpa man, ni hindi ko nahaplos o nayakap o nahalikan yaong walang pangalan:

     walang mantsa ang kumot ng kamang madalas naming
     pagtabihan;
    
     walang naiwang mga buhok sa upuan ng stainless jeep na
     aming tinambayan.

Ang tanging nadukot sa bulsikot...

     ay sa General Mariano Alvarez siya nagmula na ngayo'y
     kasing trapik na ng EDSA...
   
     habang ako nama'y nanggaling sa makiwal na lansangan
     ng Nueva Vizcaya.

Nakakatuwa ang kayang gawin ng mga kalsada.

Katulad ng pag-alog sa bulsikot ng mga alaala.

1 comment:

Bacoor Patriot said...

I love the poem but the picture of the church where Don Ramon had his confession is actually the Parish of St. Michael the Archangel in Bacoor, not Imus. :)