PBET ang kasunod na hamon pagka-graduate namin sa kolehiyo noong 1993.
Binigyan ako ng pera para mag-review pero nanghinayang akong gastusin 'yun.
Kaya iginala ko na lang 'yung pang-review ko 'tsaka nanghiram ng lumang reviewer.
Sa Maynila ako nag-exam.
Ako ang kaunaunahang natapos.
Pag-uwi ay kinapos ako sa pamasahe pa-Nueva Ecija dahil hindi na naibalik ni Raffy A. 'yung hiniram niyang P300.
Hindi din ako napahiram ni Joel A. na unang nilapitan ko.
Kaya bumaba ako sa San Miguel, Bulacan kung saan nagkasya ang pera ko at nanghiram ng P100 sa ka-JARMMS kong si Joan para makauwi.
Alam kong papasa ako kahit maaga kong tinapos 'yung exam at hindi ako nag-review.
Pero hindi ko inaasahan na makakasama ako sa Top 3 ng CLSU (sina Tarods na dekano na ngayon sa CLSU at Bb. Vilma Santos ang dalawa pa).
Iginayak pa nga kami ng recognition event na hindi ko dinaluhan kung saan binigyan kami ng certificate of appreciation na si Tarods na ang tumanggap para sa akin.
Kaya pala dahil pang Top 20 sa buong Pilipinas 'yung resulta namin noon na nito ko na lamang nalaman kay Tarods.
Last week, sinabihan ko si Bulan na huwag niyang gagayahin yung diskarte ko sa board exam noon.
Dahil baka kako ako lang ang maaaring nakagawa ng gan'un...
No comments:
Post a Comment