Monday, January 19, 2015

THE GREAT SPAGHETTI MARATHON

I thought it was a boring disorganized mountain bike ride with a catchy name [Uhay Festival Bike Ride], until we climbed the first hill and experienced "The Wall" and my first serious single track downhill ride.

Overall, it was a good ride and I won a tire tube in the raffle draw!



The next day, the wife cooked our stack of spaghetti from last year's holidays as me and Kuya Darwin took the 373 Bikers to yesterday's pulsating ride across the Villa Trails, and there we met Kuya Jerry on top of a hill who told us of a hidden waterfall somewhere along the hills of Parista and Lupao. Then we hit "The Wall".



The spaghetti was waiting when we got home. It went out quick including the loads of birthday cakes sent which is the most I've ever had. That's breakfast.



Then I took the kids and the nephews to Pizza Hut where they wolfed down three varieties of stuffed pizza, and a huge platter of spaghetti. That's lunch.

It was Lordee's birthday too so we dropped by Jollibee-Circumferential to watch the kids party as we parents gossiped and discreetly went out for a cigarette after each parlor game. The famous Jolly Chicken with Jolly Spaghetti was served. That's dinner.


"You're so cute!" Hetty Spaghetti whispered as she groped my butt.


I am 45 and spaghetti was served on my birthday... 

Monday, January 12, 2015

RETIRADO

Mahirap kausapin ang sulat at wala namang sumasagot sa mga tawag kaya isinama ko na lamang ang ngitngit sa mga pinasabog na labintador noong bagong taon.

Meron kayang paputok na "Goodbye PRRM"?


Sa totoo lang, matagal na dapat ginawa ang pagpapasya na kalusin ang burukrasyang sumisimot sa kaban ng yaman.


Hindi nga lang naging maayos ang pagpapaabot at hindi inaasahan ang kakagyatan nito. 


Pero naitulog na ng ilang gabi ang pagtatampo, kulay rosas na ulit ang mga gumamelang nakahilera sa kalsada, at papatapos na ang isang makabuluhang taon ng pagsubaybay sa aming Matandang Kapatiran.


Kaya nagdaop sina Duduboi at ang mga maligno ng Scout Borromeo, at muling nagkahugis ang pansit sa gitna ng nagsasalimbayang recipe ng pekeng isda [pangasius] na paboritong ihain sa SEAMEO Innotech.




Nakarating sa dulo ang Huling El Bimbo kasabay sa pagbuklat ng panimulang kabanata ng ipinabaon na Espada at ang paghubad sa Barong Tagalog na hinabi sa mabibigat na hibla ng agam-agam.





At sa unang pagkakataon ay natikman ni Bulan ang bangis ng kumpetisyon sa mga burol ng Palayan City, ang dalamhati ng unang pagkabigo sa bumubulusok na bakas ng Aulo Dam, at ang pagkakatuklas sa dakilang talata ni Grantland Rice.




"Not that you won or lost, but how you played the game".

Paparetiro na ako at nakatutuwang malaman na may mga ibang kalsada pa palang puedeng daanan...      

Monday, January 05, 2015

ANG HULING EL BIMBO

Magkahawig nga sina Kuya Allan at Captain Ramil pero ang Black Label na itinagay ni Kuya Aztec ang pinili kong inumin bagamat sinamahan ko pa rin si Kuya Allan sa pagbirit ng "Wherever You Will Go" matapos magbanlaw ng San Mig Lights sa King Hiram bilang malaking tuldok sa aking huling pulong bilang Marangal na Guro ng Logia 373.





Kinabukasan ay pilit ibinangon ang katawang umaalingasaw sa alak para muling umahon sa Maangol Trail kasama sina Andie at Placido Armando Catalan pero sa Manicla kami iginawi ng aming mga bisikleta para balikan ang ala-ala ng isang anibersaryo na ginanap ng MASP sa Palasapas Falls 20 taon na ang nakararaan.


Sarado pa ulit ang Lugaw Network, ayos ang almusal na palabok at pinapaitan sa Marquez Restaurant, at nakaubos ako ng tatlong stick ng Marlboro Lights sa basketball game ng Masonic North and South bago muling inihain ang Johnny Walker Black at San Mig Lights.

  


Nag-umpisa na ang linggo ng aking Huling El Bimbo.