Monday, January 12, 2015

RETIRADO

Mahirap kausapin ang sulat at wala namang sumasagot sa mga tawag kaya isinama ko na lamang ang ngitngit sa mga pinasabog na labintador noong bagong taon.

Meron kayang paputok na "Goodbye PRRM"?


Sa totoo lang, matagal na dapat ginawa ang pagpapasya na kalusin ang burukrasyang sumisimot sa kaban ng yaman.


Hindi nga lang naging maayos ang pagpapaabot at hindi inaasahan ang kakagyatan nito. 


Pero naitulog na ng ilang gabi ang pagtatampo, kulay rosas na ulit ang mga gumamelang nakahilera sa kalsada, at papatapos na ang isang makabuluhang taon ng pagsubaybay sa aming Matandang Kapatiran.


Kaya nagdaop sina Duduboi at ang mga maligno ng Scout Borromeo, at muling nagkahugis ang pansit sa gitna ng nagsasalimbayang recipe ng pekeng isda [pangasius] na paboritong ihain sa SEAMEO Innotech.




Nakarating sa dulo ang Huling El Bimbo kasabay sa pagbuklat ng panimulang kabanata ng ipinabaon na Espada at ang paghubad sa Barong Tagalog na hinabi sa mabibigat na hibla ng agam-agam.





At sa unang pagkakataon ay natikman ni Bulan ang bangis ng kumpetisyon sa mga burol ng Palayan City, ang dalamhati ng unang pagkabigo sa bumubulusok na bakas ng Aulo Dam, at ang pagkakatuklas sa dakilang talata ni Grantland Rice.




"Not that you won or lost, but how you played the game".

Paparetiro na ako at nakatutuwang malaman na may mga ibang kalsada pa palang puedeng daanan...      

No comments: