Monday, December 10, 2018

UNA MANANA DE INTRIGA

Ang INTRIGA ay salitang Espanyol na nangangahulugan ng "pagsasagawa ng isang bagay na nakakapinsala sa reputasyon".

Sa kasalukuyang panahon at konteksto ng wikang Filipino, ang katumbas ng salitang INTRIGA ay tsismis o fake news at paninirang puri.


Maaaring kasuhan ng libel ang paninirang puri na ang katumbas sa aming matandang kapatiran ay unmasonic conduct. 



Kadalasan, ang INTRIGA ay nag-uumpisa sa inggit, kamangmangan o sadyang pagkawalanghiya.

Kaya para sa akin, ang mga intrigero ay mga kaawaawang nilalang dahil sila ay mapag-imbot [galit sila sa meron ang iba na wala sila], mga walang muwang [hindi nila naiintindihan kung ano kanilang pinasok] o sadyang maiitim ang budhi [ang misyon nila sa mundo ay manira ng kapwa]. 

Walang libre sa mundong ito. 

Respect is earned not demanded, and credibility is based on track record and not on what one thinks of himself.

Kung mahirap intindihan 'yan ay magbisikleta na lang muna at magnilay. 

No comments: