Monday, November 23, 2015

THE BREAKFAST OF [feeling] CHAMPIONS

Madalas ay lugaw, with egg or chicken, na may kasamang tokwa't baboy ang almusal namin pagkatapos magbisikleta.

O kaya ay bagong hango na toasted siopao at buko roll kung madadaan kami sa Baloc.

Pero sa Cuyapo, wala kaming mahanap na lugawan at panaderya kaya pinagtiyagaan na lamang ang lumang hopia at pan de coco para kahit papaano ay may pampadyak sa sinalihan naming karera.



Katulad ng dati, kinapos ako sa patag, hindi nakayanan ng pabaon na nilagang itlog at saging ang ratratan sa unahan.

Hanggang sa marating namin ang mga rough road, ang mga daang kariton, ang mas masikip at malalalim na daang kalabaw, at ang mga akyatin.

Doon sumikad ang extra power mula sa sikretong pagkain na muling bumuhay sa alamat nina Ariel Marana, Carlo Guieb, at Ryan Tangilig. 


Sa mga trails ako nag-umpisang humabol at tumuhog bago ganap na nakabuwelo sa mga ahunin.

Mula doon ay tuluyan nang kumawala ang bisa ng sikretong pagkain na nagbigay sa akin nang lakas hamunin ang huli ngunit pinakamahabang akyatin, at biritin ang natitirang apat na kilometro ng malapad, patag, at sementadong kalsada.




Tinapos ko ang 31.7 kilometrong karera sa kabuuang bilis na 20.3 kilometro kada oras, kasama na ang mga akyating may kabuuang 156 metro, na parang walang nangyari.


'Yan ang bisa ng aming Breakfast of Champions, ang sikretong pagkain na madalas ulamin ng madami.

Dalawang bagay lang 'yan: balatong for Tatay, pansit for Balong.

No comments: