Kolehiyo na si Bulan.
Pagkatapos ng apat na buwan ng pagtatao sa bahay, pagluluto ng adobo para sa hapunan, paghuhugas ng mga plato pagkatapos ng almusal, pag-papainom ng oresol sa nilalagnat na aso, paglalampaso sa bahay, at iba pang puedeng gawin ng wala pang masyadong ginagawa.
Makapananghali kami nakarating ng Miag-ao.
Siopao lamang ang naging pananghalian namin sa airport kaya pagkatapos naming mamili ng mga hanger, timba, tabo, planggana, laundry bag, at electric fan na kakailanganin ni Bulan sa dorm ay natisod namin ang Ted's sa tapat ng palengke, umorder ng extra special batchoy at malalaking pandesal, nagpatuyo ng pawis, at nagnilay kung papaano ko uubusin ang apat na araw at tatlong gabi bilang chaperone sa Miag-ao.
Sa Lampirong natulog si Bulan sa unang gabi niya sa Miag-ao.
Ako'y nakakuha ng kuwarto sa Apitong at dahil wala akong internet access ay maagang natulog, maaga ding nagising, naglakadlakad katulad ng nakagawian sa mga bagong lugar na napupuntahan, pinanood ang pamamaalam ng gabi sa paparating na araw, tinulungan si Bulan sa pag-aayos ng gamit sa kulay berde niyang aparador, at sinamahan siya sa kanyang psychological test.
Pagkatapos n'un ay isang napakahabang kalahating araw, kaya lumabas kami ng highway at pumara ng dilaw na Ceres Bus papuntang San Joaquin, nakipagmatigasan sa napakainit na sikat ng araw, uminom ng malamig na Mountain Dew sa palengke...
...muling pumara ng dilaw na Ceres Bus pabalik at bumaba sa Tigbauan, naghanap ng makakainan, walang nahanap dahil mabagal ang internet signal ni Bulan...
...pumara ng mahabang dyip papuntang Guimbal, inikutan ang plaza, kumain ng fish ball, naglakad papuntang palengke, at muling pumara ng mahabang dyip papuntang Miag-ao.
Nakapag-FB din ako sa wakas sa Miag-ao sa isang madilim na internet cafe na burado ang mga keyboard, nagtangkang maghanap ng matutuluyan, nagdesisyon na sa Apitong na lang ulit matulog, muling nakatulog ng maaga, at muling nagising ng mas maaga.
Araw ng orientation ni Bulan at matapos kong masiguro na nasa loob na siya ng covered court ay sumunod ako, pasimple, pilit tinatanaw kung asan sa mga nakapulang t-shirt ang panganay ko, bago ako muling nagpahatid sa bayan ng Miag-ao.
Matapos mamalengke ng ilan pang gamit ay sa simbahan ako tumuloy at nagpatuyo ng pawis, nanood ng misa para sa patay, at pumila sa kaisaisang gumaganang ATM machine sa Miag-ao para mag-withdraw ng allowance ni Bulan para sa susunod na linggo.
Iniwan ko sa kama ni buklan ang mga gamit at pagdating niya ay nananghali kami sa kanilang common dining area.
Nagpahatid ako sa labas ng Lampirong, nagpayakap, nagbiling diskarte na niya ang mga susunod na araw.
Sa tricycle, natuyo sa hampas ng hangin ang luhang namuo sa aking mata...

1 comment:
Bulan,
GOOD LUCK!
MAG-IINGAT KA LAGI DYAN!!!!
I LOVE YOU ANAK!!!
Post a Comment