Muli, sumabak si Totoy Bato sa ring.
Subalit sa pagitan ng mga round ay namaga ang bato at umalsa ang apdo.
Kaya nakipagbalikan kay Dr. Cayco si Totoy Bato.
Nangawala ang adobong baboy at pumailanlang ang inabraw na labong, sitaw, at saluyot.
Muli, namanata sa malapulbos na alikabok ng mga daang kalabaw si Totoy Bato.
Maliwanag ang langit, konting ulap lamang ang nakaukit sa ekta-ektaryang pisarang asul.
Malawak at malapad ang mga tuyong sabana na naghihintay sa ulan at mga magbabakod.
At sa basbas ng walang kaubusang apple cider ay pinakawalan ni Totoy Bato ang mga suntok para sa Galing Pook Award at P30 milyong kalsada.
Matiyaga ang pang-unawa niya sa inaarugaang kampanya.
Dahil lilipas din ang pagmamaliw ng mga agimat na bato at muling sasayaw ng cha-cha ulupong si Totoy Bato...

No comments:
Post a Comment