Thursday, April 18, 2013

FINALLY, A 2-YEAR SCHENGEN VISA

May kapalit daw na suwerte ang bawat kamalasan.

Katulad ni Kuya Raffy na biglang sumulpot sa NLEX sakay ng ambulansiya ng Licab nang pumalya ang matanda nang sasakyan ng opisina habang papaluwas para sa visa interview ko sa German Embassy.

Sa matuling sabi, nakarating ako ng maayos sa Embassy kung saan madali namang tinanggap ang aking submissions at hindi na ulit siningil sa visa fee. 

('Yung unang application ko ang medyo mahigpit. Ganun pa din sa pangalawa pero hindi na ako siningil ng visa fee).

Lunes 'yun. Dumating ang visa ko ng Miyerkules at ang magandang balita na ang kahilingan ko para sa 2-year Schengen visa ay natupad na. 

Ang ibig sabihin n'un ay malilibre na ako sa makonsumong proseso (sa panahon, effort, at gastos) ng visa application ngayong taon.

Para sa mga nagkaloob ang isang bilaong pansit sa ibaba mula sa Cuyapo.

Danke!

No comments: