Friday, July 30, 2010

PANSIT-ING

Magpansit muna kayo. Naubusan ako ng ipo-post. :-(



PAHABOL SULAT: Ang pansit sa taas ay baon ng aming team sa huling araw ng isang bowling tournament. Ang nasa ibaba naman ay ang kinahinatnan ng merienda ng team na tinalo namin sa kampeonato ng mga kulelat (Class D category).

Friday, July 16, 2010

SINGKUWENTA'Y OTSO

Isang bandehadong pansit ang aking alay sa kanyang kumupkop at nagbigay ng hanging niliparan ng noo’y mga murang pakpak.

Ilang pirasong pandesal na may palamang kesong puti ang aking handog sa mga karanasang nagpatibay sa mga noo’y nerbiyosong dibdib.

Mamaya, ilang botelyang serbesa ang ibabasbas sa pagdating ng mga mamamanata at sa kapatawaran ng kung anumang naging kakulangan.

Halina tayong magdasal mga kasama na bukas nawa’y may pabaong aginaldo o kaya’y maluwalhating balita na magtataas nga ng sueldo.

Maligayang ika-58 kaarawan kay Apo PRRM at sa lahat ng naging kabahagi nito!