Monday, October 07, 2019

SPELUNKING

ang magyuyungib ay bumutas ng lagusan sa pagitan ng mga pinitak at makapal na hangin

makunat ang kalamay na inilalako sa Baloc kaya naidlip ang driver ng trak na sumadsad sa CLSU


dahilan marahil kung bakit ang mayayabang na palay sa Camnacsacan at Maligaya ay nagsidapa nang ako ay nakiraan sa Matingkis   



ang magyuyungib ay dumayo upang magpista ng daing na bangus at makisayaw sa Lingayen

isang libo ang inipit sa kilikili ng banda at ang natira ay isinuksok sa singit ng pusa na may gamunggong nunal sa dibdib

makunat ang balat ng litson at ayaw bumuka ang pinasingawang talaba

Monday, September 30, 2019

ANG NAWAWALANG 3 LINGGO NG TAG-ARAW SA PANAHON NG TAG-ULAN

ni hindi natuyo ang daang kalabaw
at parang kabuteng nagsusulputan ang mga binunot na damo pagkatapos ng ulan

halinhinan ang pagsalakay nina 
Kabayan, Liwayway, Marilyn, Nimfa at Onyok

ang tatlong linggo ng tag-araw ay naligaw
at ang berde ay nanatiling berde dahil sa putik na sumaklit sa mga palayan 

magkasunod na nilakbay ang 
Munoz, Talavera, Sto. Domingo, Talugtug at Lupao

ang araw sa wakas ay dumungaw
sa huling linggo ng Septiyembre kuminang ang laksang ginto sa kabukiran 


samantala, tinakpan ng tapis ang puson ng mga natalo sa pusoy at naghimagas ng kinilaw na isda pagkatapos ng hapunang litsong baka  

Monday, September 23, 2019

THE DEATH OF CONSTANS

History speaks of Constans II, son and co-ruler of the Roman Emperor Constantine III, killed during the revolts against his father's rule.

Constans of Freemasonry is the representation of every Scottish Rite Mason, "eager to serve humanity but caught between self-interest and the call of duty", killed defending his kingdom.

I am Constans, battling the winds with my bike, breaking fast with goat meat and black coffee.


We buried Constans on Friday evening but like the phoenix, he will rise from the ashes to live again.

SMIB.