Monday, July 13, 2015

SOLO MEALS

Isa na akong expat.

Na-obligang manirahan mula Lunes ng umaga hanggang Biyernes ng hapon sa Kamaynilaan.


Napilitang maghanap ng matutulugan sa gabi.


At nagkasya sa mga mapanglaw na hapunan sa kung saan-saan.


Aroskaldo sa may Timog n'ung Lunes at sisig na pusit sa Crossings n'ung Martes.




Daing na bangus naman sa may Mother Ignacia n'ung Miyerkules at KFC Twister sa may EDSA n'ung Huwebes.



Ang almusal ay kung saan abutan sa paglalakad, katulad ng sa Pan de Manila n'ung Martes.


Ang pananghalian ay madalas sa opisina na lamang at depende sa dalang paninda ni Manang.


Iba't-ibang lugar, ibat'-ibang lamesa, iba't-ibang plato.

Parang masaya, nakakatuwa, nakakagulat, katulad ng pagkakatuklas namin ni Kairos ng lechon ice cream sa Davao.



Pero ang totoo, mahirap kumain nang mag-isa, nang malayo sa pugad, kahit gaano kasarap at kakaiba ang nakahain.

Sa dulo, ang pinakamasarap na hapunan ay ang ulo ng tilapiya na sumobra sa pagkakaprito, ang ginisang repelyo na nakalimutang lagyan ng patis, at ang nagtutong na bagong sinaing. 


'Yan ang parati kong pinakaaabangan pag-uwi ko sa Nueva Ecija tuwing Biyernes ng hapon...  

No comments:

Post a Comment