Sunday, September 29, 2013

TAGAYTAY+

"Tagay, 'Tay, tagay!"

[Anak sa ama habang nakikipag-inuman sa ilang kapitbahay.]

"Taga, 'Tay, taga!"

[Anak sa ama nang mapaaway sa kanilang mga kainuman.]

At diyan marahil nagmula ang pangalan ng Tagaytay.

E ba't di na lang kaya "Maulan" o "Mahamog"?


Buti na lang may Candy Crush.

[In between sessions 'yan ha, Marie!]


At malamig na beer sa mahamog ding bulwagan ng Gerry's Grill.

[Walang sinabi ang pulutan nila sa version namin ni Pare Amor!]


Pero hindi ako nakapag-shoot ng kahit man lang isang simbahan sa Tagaytay.

Wala ding pansit kahit na sa TWG meeting na binabaan ko sa DA Central Office.

Kaya pag-uwi ay inipon ko ang mga tira-tirang hibla ng bihon, pinakuluan at iginisa sa kamatis, 'tsaka binudburan ng prinitong panahog na baboy.


Kinahapunan ay tumungo ako sa Guimba para tumayong ninong sa isang kasalan.

'Dun na kami nagkita ni Bitoy at nagpa-pityur sa harap ng simbahan. 


Mukha siyang ministro ng Iglesia sa kulay blue niyang barong at ako nama'y puedeng mapagkamalang isa sa mga kongresman ni Napoles... 

No comments:

Post a Comment