Sunday, May 26, 2013

DISNEYLAND? DUH!

Una ay mahal ang presyo.

Pangalawa, ang tanging interes ko lamang na pumunta doon ay dahil Kuyang ko si Walt Disney at sina Mickey at Minnie Mouse ay simbolo daw ng aming matandang kapatiran.

Pangatlo, mukhang hindi bagay sa amin ang ganyang klase ng theme park.

Siguro pag bumalik ulit kami kasama sina Bulan at Balong.

Kaya sumunod kami sa mungkahi ni Utol Sherwin na pasyalan ang Central District at umakyat sa dinadayong Victoria Peak.

Mula Kimberley Road ay naglakad kami ng mahaba hanggang Star Ferry Pier, kumabila sa Central District, naglakad pa ulit ng mahaba hanggang Garden Road, nadaan sa St. John's Cathedral, at sumakay ng tram paakyat sa bundok.




E biglang umulan. Malakas. Walang tigil. Kaya hayan.


Umuwi na lamang kami.

Pero tumila ang ulan kaya lumarga kami ng Ladies Market sa Mongkok.

Doon ko napatunayan na hanggang palengke lamang ng Munoz ang kakayanan sa pambabarat ni Jowa.

Ako ang tunay na Tawad King! (HK $ 150 mula $270, HK $50 mula $140, 5 underwear mula alok na 3).


Pagbalik, naligaw kami sa kahahanap sa Night Market ng Temple Street (na walang temple?), nakipagbunuhan sa puputok nang pantog dahil walang makitang wiwiwihan (salamat sa McDo!), at nalito sa muling paglalakad ng mahaba pabalik sa Kimberley Hotel (mali ang mapa o ang basa namin sa mapa).


Hindi ko ipagpapalit ang karanasang 'yan sa Disneyland.   

No comments:

Post a Comment