Tuesday, May 28, 2013

ANG ALAMAT NI PUTOL

Noong unang panahon, may naligaw na mga Heswita sa isang lugar sa Tsina [naghahanap yata sila ng raket] na kung tawagin ngayon ay Macau.

At katulad ng mga prayle sa Pilipinas, kinamkam nila ang lupain habang nag-eebanghelyo ng kanilang relihiyon at nagtatayo ng sangkatutak na sambahan. 

Isa sa mga sambahan na ito ang kahoy na kapilya ni San Pablo na itinayo noong 1582.

Dumating ang mga itinaboy na kristiyanong Hapon at marahil ay hindi nila nagustuhan ang lumang kapilya kaya pinalitan nila ito ng magarang batong simbahan noong 1620. 

[Binayaran kaya sila o tinakot na mapupunta sa impiyerno ng mga Italyanong pari kapag 'di nila ginawa].

Noong 1835 ay sinalanta ng isang malakas na bagyo ang Macau.

Subalit hindi ito ang sumira sa simbahan.

Nasunog ang simabahan habang bumabagyo! 

Pero hindi diyan nag-umpisa ang alamat ni Putol.





Nagsimula ito nang dumating ang mga Pinoy sa Macau!

Kasi nga, putol na simbahan ang naging tawag nila dito.

Putol for short.

At sa anino ng guho niya madalas magkita at mag-inom ang marami sa kanilang hinahanap ang kapalaran sa Macau.

[Tuwing Sabado ng gabi lang naman].

Teka, alam niyo ba kung ano ang nasa likod ni Putol?

[Puro harap lang kasi ang madalas pityuran].

Heto o.

No comments:

Post a Comment