Friday, April 05, 2013

THESIS, ANTITHESIS, SYNTHESIS

Hindi 'din talaga nakakatulong ang paghalungkat ng mga lumang gamit.

Katulad niyan, biglang nahukay ni jowa ang mga graduate student files niya.

"Ay, pasado na nga pala ako sa compre!"

"May thesis outline na din pala ako!"

(Ako, habang kinakausap ng tahimik ang sarili: "Anak ng..., hindi mo alam?")

"Ituloy ko kaya?", sabay tingin ng malagkit sa akin.

(Ako, sa sarili lang ulit: "Ako ba ang kailangang magdesisyon diyan?")


Ganyan ang kuwento ng pagkakaipon sa kalahating dangkal na thesis outline dahil hindi pa pala siya nakapag-present nito, at ang suma tutal na apat na dangkal ng draft manuscript.

(Ako, sa sarili ko ulit: "Ba't kaya sa akin kinukuha ang pampa-xerox e hindi ko naman thesis 'yan?")

Ganyan ang kuwento ng ilang puyat at tensiyonadong araw. 

(Ako, sa sarili ko ulit: "Ba't naman kaya kami ang napag-iinitan sa pabalikbalik na mansucript?")


At ganyan nga ang kuwento ng pagkaka-stress ko ng halos isang buwan.

(Ako, pabulong na pero mahina para di marinig: "E hindi ko naman thesis 'yan, ba't sa akin mo pinasusulat? Ano bang malay ko sa mga ANOVA at regression na 'yan e isa lamang akong tahimik na mamamayan?")


"Gawan mo ako ng story board sa thesis defense!"

(Ako, medyo nakasimangot na pero tahimik pa din: "E kung ako na din kaya ang mag-defend?")


Pero natapos din.

Bago 'yun ay muntik na akong magkikisay nang malamang mali ang middle initial ng isang adviser pagkatapos ma-reproduce nang 7 copies ang manuscript.

Pero natapos nga din.

(Ako, umaalingangaw sa aking ngiting aso: "Asan ang premyo ko!")


FOOTNOTE: All images downloaded from Google.

No comments:

Post a Comment