Dumalaw ka kagabi
tangan ang karayom na bumutas
sa ga-semento kong balatkayo.
Nilagnat ka sa nalanghap
habang nagdedeliryo
ang ‘sang semestreng
magiging bahagi na lamang ng nakaraan,
mula sa paglalaro mo ng pingpong
tuwing gabi
hanggang sa pagtulog mo
tuwing tanghali.
Gusto ko lagi kitang kasama
kaya’t pinagtitiyagaan kong hulihin
ang naiwan mong multo
isinisilid sa aking balahibo,
sa gayon araw-gabi kitang
maramdaman, mapanaginipan.
Sayang nga lang
at sa tingin lang kita puedeng mahalin,
baka kasi ‘pag niyakap kita
maglalaho ka ring tulad nila,
wala nang maglalaro ng pingpong
at hindi na sisikat ang araw
tuwing tanghali.
Hindi ko kaya ‘yun kaya’t
nagmamartsa na lamang ako
sa ‘yong dinaanan,
pinupulot at ibinubuhol
ang mga nalagas mong buhok
upang ipangsilo
ng mga buntong hininga
at sunog na pandesal.
Katulad kagabi
kumandong ka sa aking balatkayo.
Sana hindi na ako nagising.
(STP, Hulyo 1993)
tangan ang karayom na bumutas
sa ga-semento kong balatkayo.
Nilagnat ka sa nalanghap
habang nagdedeliryo
ang ‘sang semestreng
magiging bahagi na lamang ng nakaraan,
mula sa paglalaro mo ng pingpong
tuwing gabi
hanggang sa pagtulog mo
tuwing tanghali.
Gusto ko lagi kitang kasama
kaya’t pinagtitiyagaan kong hulihin
ang naiwan mong multo
isinisilid sa aking balahibo,
sa gayon araw-gabi kitang
maramdaman, mapanaginipan.
Sayang nga lang
at sa tingin lang kita puedeng mahalin,
baka kasi ‘pag niyakap kita
maglalaho ka ring tulad nila,
wala nang maglalaro ng pingpong
at hindi na sisikat ang araw
tuwing tanghali.
Hindi ko kaya ‘yun kaya’t
nagmamartsa na lamang ako
sa ‘yong dinaanan,
pinupulot at ibinubuhol
ang mga nalagas mong buhok
upang ipangsilo
ng mga buntong hininga
at sunog na pandesal.
Katulad kagabi
kumandong ka sa aking balatkayo.
Sana hindi na ako nagising.
(STP, Hulyo 1993)
emote ito pare. parang may pait.
ReplyDeleteBro,
ReplyDeleteMay latay na naiiwan ah, pagka yaring basahin.. para bang yantok mindoro kapag inihampas...
Ayus to kuyang...