Tuesday, November 03, 2015

RESBAK

Ito ang ika-11 beses kong biyahe sa Europa at palagi, ang pinakamagandang tanawin pag-uwi ay ang paglubog ng araw sa taas na 30,000 talampakan pag-alis ng eroplano sa Taipei. 


Ang ibig sabihin kasi nito ay mahigit isang oras na lang ang Maynila bagamat halos anim na oras pa ang biyahe mula d'un papuntang Nueva Ecija na nagagamot naman ng mainit na pagsalubong [sa mga pasalubong] ng batang nasa ibaba.


Nangangahulugan din ito na pagkatapos ng mga mahahabang lakad at gabi sa Germany at Belgium ay masasakyan ko na ulit si AGT para pagpagin ang mga kalawang na namuo mula sa mga nainom na beer at nakain na mga tsokolate, keso, at longganisa.

Ito ang resbak sa panahon ng undas para sa dalawang linggong walang bisikleta.


Ito din ang araw ng resbak ni Balong na nabigong pumadyak patungong Villa Isla sa unang pagkakataon noong undas dahil sa sirang gulong.




Sa araw na 'yun niya nalaman na ang premyo pagkatapos akyatin ang mga burol ay isang pakete ng Skyflakes at isang malamig na bote ng sakto sa "7-11" ng Villa Isla.



No comments:

Post a Comment