Wednesday, December 31, 2014

ANG PAGHIHIGANTI NI ARIEL GUIEB TANGILIG

Tatlong linggong naiwang nakanganga si Carlo Guieb Tangilig.

Nanigas ang kanyang mga kable at lumambot ang mga gulong sa matinding pagngingitngit.

At ni hindi ko nakuhanan ng pityur ang mga seksing pulis ng Lima at ang kanilang mga masusuwerteng mga mountain bike. 

Nakalimutan ko din sa haba ng nilakad namin ni Oyet sa San Francisco ang whole day $150 mountain biking trek at half-day $60 city biking tour.

Mabuti pa 'yung mama sa airport, kasama palagi ang kanyang gitara.


Pero uuwi din ako.

At nakauwi nga, kaya inaakyat ko agad si Ariel Guieb Tangilig sa tuktok ng Maangol at kinamot ang matagal nang nangangating simbahan ng Licab kasama sina Lupo Domingo Quilban at ang bagong saltang si Placido Armando Catalan.



Sarado ang Lugaw Network noong bisperas ng pasko kaya nagtiyaga kami sa mami at siopao ng Chow King kasama sina Kuya Darwin at Andie.


Nagkitakita din ang isang bahagi ng 373 Bikers na tinuntun kung saan papunta ang irigasyon na dumadaan sa Villa Isla, at sina Ariel Guieb Tangilig at Placido Armando Catalan na nag-almusal ng matamis na pakwan sa Mapangpang matapos tagpusin ang Mangandingay at Burgos, at muli ng matabang na pakwan sa Munoz matapos sundan ang mga nakatagong kalsada papuntang Rizal.




Bago lumipat ang taon ay iniakyat namin si Kuya Rey sa Maangol.


Kasing tamis ng malambot na labi ng binibining Peruviana ang paghihiganti ng Ariel Guieb Tangilig.

HAPPY NEW YEAR!

No comments:

Post a Comment