Friday, October 24, 2014

ANG MASAHISTA

Kay Angie sa spa ni Mang Tasyo ako huling nagpamasahe.

Mahusay siya, medyo napagaan niya ang mga pumipintigpintig na mga kalamnan, kaya binigyan ko siya ng magandang tip.

Hindi ko nga lang nalaman kung kahawig siya ni Mr. Bean o ni Katherine Luna dahil sa suot niyang maskara nung tinadtad niya ako.

Katulad ni ex-Fr. Ed, gusto ko uling magpamasahe nang sumampa na sa alas-8 ng gabi ang ika-apat naming meeting sa loob ng isang araw.


Pero ayoko n'ung sinsabi nilang spa-kol, gusto ko 'yung totoong masaheng ala-Tokyo-Tokyo, kaya iniuwi ko na lamang sa Nueva Ecija ang sakit ng katawan na dulot ng napakadaming meeting at pagtatae.

Linggo, madaming kliyente si Mang Tasyo, kaya napagdiskitahan kong kamutin na muna ang matagal nang kati na dumungaw kami ni Ariel Guieb Tangilig sa Simbahan ni San Isidro Labrador sa Talavera.


Huwebes, umakyat kami ni Bong sa aming project site sa Bayangbayang Falls ng General Luna sa Carranglan kung saan kami inabutan ng ulan.


Pagbaba namin sa munisipyo ay may inabutan kaming mga OJT ng TESDA sa pagmamasahe.

Libre daw, kailangan nilang maka-30 para grumadweyt, basta pumirma lang sa kanilang assessment form.

"Operado po ba kayo, may high blood?"

Mukhang maalam ang natoka sa aking masahista.

Pero puro madiing haplos lang naman yata ang kanyang natutunan dahil halos hindi ko naramdamang minamasahe na pala ang binti ko.


Kulang pa sa praktis pero ganun pa man ay binigyan ko na din siya ng pasadong maraka.

Puede na din kasi libre, at may konting xxxxxxx. 

At xxxxxx...

No comments:

Post a Comment