Friday, September 19, 2014

ANG PANSIT NI BITOY

Simple. Masahog. Malasa.

Ang pansit ni Bitoy ay katulad ng isang dalagang kabukiran --- walang make-up, hindi lasang lipstick, hindi amoy belyas.

What you see is what you get.

Ang pansit ni Bitoy ay iniluto upang ihain sa mga bisita at hindi upang ibenta.  

Makabusog ang layunin at hindi ang kumita.

Ang pansit ni Bitoy ay ipinadala sa munisipyo mula sa isang binyagan, may kasamang isang wataw na menudo at kaldereta.


Perfect combination, katulad ng bihon guisado na binuhusan ng kumukulong sabaw ng goto sa Mapandan, ng mami at siopao sa Ma Mon Luk, o mainit na pandesal at canton sa Cuyapo.

Pero sumobra yata ang salok ko sa menudo kaya na-obligang sakyan ang bisikleta kahit bumabagyo.


Para na din sunugin ang adobo at sinampalukang kambing na ulam namin sa pananghalian ng bisita kong Haponesa dahil walang pansit sa menu ni Rico.  

1 comment: