Wednesday, July 16, 2014

STD AT ANG PAGDATING NI GLENDA

Ang STD ay para sa bayan ng Sto. Domingo.

Katulad ng SCM para sa Science City of Munoz at SJC para sa San Jose City.

Ganyan ko sila isinusulat sa aking mga monthly report para makatipid ng panahon sa pagtitipa na mukhang nakuha naman na ng aming PME.

"Maglalakad muna ako papuntang STD," ang paalam ko para masunog ang limang bote ng San Mig Lights na nainom kagabi nang hindi na dumagdag pa sa mga nag-uumpugan kong mga bato sa apdo.

Sa totoo lang, matagal ko nang plano na ma-update ang mga kuha ko sa Simbahan ni Sto. Domingo noong kapanahunan pa ng aking unang point-and-shoot camera.

Kaya ayan, nagpityur-pityur ulit ako ng simbahan.






Bukas ay sa simbahan naman sana ng San Francisco del Monte ako maglalakad.

Pero dumating si Pareng Dante na nagpabili ng isang bote ng Fundador na dinagdagan ni Pare Eboy ng anim na Pilsen, anim na Lights, at dalawang Red Horse.

Sumunod na dumating ang umaalulong na si Glenda kaya nagsumpahan na lamang kaming mga tiga probinsiya na magkitakita taon-taon kahit wala na kami sa PRRM.

No comments:

Post a Comment