Friday, May 23, 2014

ANG PINAKAMASARAP NA PANSIT...

...ay hindi matatagpuan sa Discovery Suites at magagarang hotel, o ma-oorder sa mga bonggang restoran na katulad ng mga kinakainan ni Margaux Salcedo.

Ang pinakamasasarap na pansit ay natagpuan ko sa isang maliit na karinderya sa Guimba, sa inuman ng mga DOM na kapitan ng San Jose, sa masikip na puwesto ni Thelma sa Munoz, at sa isang panaderya sa Cuyapo.

Inihain ang mga ito sa pa-bertdey ni Kuya Fitz sa Talavera at sa lamay ng tatay ni Kuya Serge sa San Antonio.


Ang pinakamasasarap na pansit ay iginisa sa mga mauling na palayok at kawa, inihain sa mga bandehado na may kasamang hiniwang kalamansi, at inihanda na ang pangunahing layunin ay mabusog at mapaligaya ang mga kakain nito.

Katulad ng walang kamatayang spaghetti sa mga bertdey --- simple at paulit-ulit pero hindi nakakasawa...

No comments:

Post a Comment