Saturday, April 19, 2014

BISI[kle]TA LOGIA

Kami ang mga Ariel Marana, Carlo Guieb, Armando Catalan, at Miguel Valentin ng aming panahon.

Kami ang mga alagad at deboto ng Madonna del Ghisallo na nagpasiyang ipagdiwang ang kanyang kabanalan sa ibabaw ng bisikleta ngayong Mahal na Araw.

Ito ang ikatlong yugto ng aming penitensiya.

Ito ang aming Bisita Iglesia.





Ngayong araw ding ito kami namanata sa simbahan ng mga pansit sa San Jose.

[Kasi hindi sumagot si Kuya Ernie sa tawag at text, hindi namin mahanap ang Lugaw Network, at wala nang arroz caldo ang 3/4].

Ngayong araw, kami ay nabinyagan ng mga sakristan ni Dacoco sa ilalim ng dalawang plato ng bihon guisado [malasa]  at tig-iisang mangkok ng kim-lo [walang lasa].


Ngayong araw ko din nalaman na bawal na ang plastic bag sa Munoz kaya na-obliga akong mag-single hand sa bike para matabanan ang dalawang paper bag ng pandesal ni Emong na ipinabili ng Poon na nakatira sa aming bahay. 

No comments:

Post a Comment