Thursday, March 13, 2014

ANG MGA PUSAKAL

Nagampanan ko na ang personal na misyon sa Bonn.

May pityur na ako ng pansit [Pasta Funghi na hapunan ni Jasper sa Vapiano]...


...meron na din akong simbahan [ang Protestant Evangelical Church na dati ko nang napityuran]...


...at napuntahan sa wakas ang kaisaisang Lohiya sa Bonn na nahanap ko sa Google Maps [ang Bond of Friendship Lodge No. 890 na nasa likod lang pala ng simbahan sa itaas].



Masaya na din siguro ang AK dahil kasama na sila sa mga update ko.

May hotel reservation na ako sa Amsterdam at nakapag-check in na din sa KLM.

Tumupad din ako sa mga habilin ni Jowa [maliban sa isang pirasong sausage na tinikman ko sa almusal, dalawang pirasong buto ng sinigang na baboy kina Lando, hamburger sa Base Camp dahil naubusan sila ng veggie burger, ilang basong white wine, at talong bote ng German beer].

Nakapag-pityur din ako kahit papaano gamit ang aking Samsung Galaxy S-4.

At siguro ay nakatulong naman sa pambubulabog sa mga kupal sa negosasyong ito.

Hayan, na-wanted tuloy kami ng CIA at M16.

No comments:

Post a Comment