Tuesday, February 11, 2014

TO SAUDI WITH LOVE

May ipinadala nang visa ang Riyadh.

Official daw 'yun at for pick-up na lang sa Saudi Embassy sa Manila.


May plane ticket na din.

Kung sakali, first time akong masasakay ng Gulf Air.


Pero heto ang nagyari:

SEKRETARYA NI AMBASSADOR: "Pre-approved visa lang 'yan sir. Kailangan pa din ninyong magsubmit ng mga requirements sa mga accredited travel agencies namin. Sila ang mag-eencode at magpa-process sa visa ninyo".

AKO: "E sa linggo na ang alis ko. Biyernes ngayon. Ang advise kasi ay for pick-up na lang ang visa".

SEKRETARYA NI AMBASSADOR: "Gan'un po talaga ang protocol namin. One day ang visa processing at sa hapon lang ang releasing. Ang irerekomenda kong puntahan ninyo ay ang East West.

A ewan.

Buti pa nga Pakistan, nag-issue agad nang visa kahit Biyernes dahil sila ang host noon ng G20 meeting.

'Tsaka hindi nga nag-require ng visa ang Panama, South Africa, at Qatar dahil sila ang mga host.

Kaya best wishes na lang kina Vice at ComYeb na siyang natirang kinatawan ng Pilipinas sa Riyadh LMDC workshop.

Heto ang ramen para sa inyo, mga komrads.


Gawa ng isang Japanese restaurant sa isang baryo ng San Jose City.

Medyo lasang mami ang sabaw pero puede na din.

At para sa Saudi Embassy sa Manila, heto ang malabsa at kinapos sa timpla na pansit malabon.


Bagay sa inyo 'yan. 

No comments:

Post a Comment