Sunday, January 19, 2014

AY, BERTDEY KO PALA

Hindi naman talaga ako naghahanda sa bertdey ko.

Madalas ay nagkakasya na sa pansit.

Dito na lang ako sa Nueva Ecija natututo sa pgahahanda.

Para sa akin kasi, napakahirap ipagdiwang and pagdaan ng panahon na nagpapahiwatig sa dumadalas na pagluwag ng mga turnilyo sa katawan at dumadaming bilang ng mga hindi na puedeng kainin.

[Mabuti na lang, tumitigas pa ang mga dapat tumigas].

Kaya para sa akin, ang bertdey ay dapat parang hindi nangyayari.

Pero dahil madaming bumati sa akin n'ung nakaraang Sabado, heto ang pansit at pandesal.


Kasama na diyan 'yung pansit palabok na inihain [at iniuwi dahil hindi naubos] n'ung nakaraang instalasyon namin,.   

No comments:

Post a Comment