Friday, May 24, 2013

TSING TONG TSAI

'Yan ang bigkas ko sa lugar kung saan kami tumuloy (Tsim Sha Tsui ang tunay na ngalan nu'n).

Malapit lang sa Nathan Road kung saan una naming pinasyalan ang St. Andrew's church na kasama sa ruta ng self-guided tour map na ipinabaon ni Bulan.


At siyempre pa, pansit (isang uri ng Laksa) ang una naming kinain sa may Hillwood Road na nagkataong may simbahan din ng nanay ko (Sabadista siya).


Meron pang isang simbahan na kulay cake (Rosary Church daw) habang hinahanap namin ang tamang daan patungo sa Hong Kong Museum of History.


'Tsaka isang mosque sa may Kowloon Park na madalas naming madaanan.


Pagkatapos ay wala na kaming magawa kaya hinanap namin si Bruce Lee sa Avenue of Stars (kasama niya sina Jacky Chan, Jet Li, at Samo Hung) at nagpipipityur ng mga turistang nagpipityur (meron pang higanteng bibe sa Harbor City).




Medyo hindi ko yata feel ang Hong Kong.

Para siyang isang malaking department store na ang pangunahing inilalako ay ang Disneyland.

Dito na yata itinambak ng sosyalistang Tsina ang lahat ng kapitalismo sa nasasakupan nito (one country, two systems nga daw).

Pagbalik namin sa hotel ay nagkagulo ang reception desk sa aming billeting.

Kaya pinainom muna ako ng isang basong beer habang inaayos nila ang gusot.

No comments:

Post a Comment