Monday, January 14, 2013

DALAWANG BALITA NG KAMATAYAN

Ika-22 ng Disyembre 2012
Alas-3 ng hapon

Beep! Beep! Beep!

[Binaril daw nanay niya! Patay!]

Beep! Beep! Beep!

[Bakit nila ginawa sa nanay ko 'yun? Hu hu hu...]

Beep! Beep! Beep!

[Be strong...]

Sa bugso nga ng mababangis na punglo ay marahas na ibinagsak ang haligi ng tahanan.

Ikaw ngayon, mahal naming kaibigan, ang papasan sa bigat na itinitindig nito,

At ang tutuklas sa misteryo kung bakit ang impit na pagbubunyi ng muling pagdadaupan ay nagaganap sa mga pagluluksang katulad nito...


Ika-10 ng Enero 2013
Alas-6 ng umaga

"Pumanaw na si Konsehal kagabi."

"Ha?"

Beep! Beep! Beep!

"Sir, patay na daw si Konse. Kagabi, alas onse."

"Ha?"

Beep! Beep! Beep!

"Pare, wala na si Konse."

"Ha?"

Sa matalim na kamandag ng karamdaman at dialysis ay sumuko ang katawang lupa.

Malungkot ang mga pagbubunying magaganap sa mga kaarawan ngayong Enero,

Katulad ng bakanteng silyang inilaan ng mga tapat na kaibigan sa kanang bahagi ng mahabang lamesa na madalas niyang pinipuwestuhan...

No comments:

Post a Comment