Wednesday, October 10, 2012

SEMI CUM LAUDE

Ang importante lang naman noon e magka-diploma.

Aanhin ba kasi ang sobra ng gradong tres?

Basta tatapusin ko ang kolehiyo nang apat na taon at walang singko.

Kaya papasok, a-absent.

Si Me-an, asar na asar dahil mas mataas pa din ang grade ko sa kanya sa "Malikhaing Pagsulat" kahit na hindi ko pinasukan ng kalahating semestre samantalang wala siya kahit ni isang absent.

Nakatikim pa nga ako ng ilang College (1.75 GPA) at University (1.50 GPA) Scholarships.

Pagdating sa dulo ng ikaapat na taon, ang kabuuang suma ko ay 1.78 GPA.

Sayang daw,

0.03 na lang at cum laude na.

Kung hindi sana ako na-tres sa PI 105 dahil dinebate ko ang CARP framework ng aming propesor; o sa ComSci 100 dahil hindi ko talaga ma-gets ang paggawa ng flowchart; o sa Physics 100 dahil nasanay akong maglurok ng mga panaginip pero hindi sa pagkuwenta kung ilang litro ng formalin ang kailangan ng isang bangkay na may bigat na 75 kilo.

Pero hindi sumama ang loob ko.

Hindi ako naghinayang.

Kaya palagay ko, okey lang.

Happy naman ako sa mga naging choices ko sa Pamantasan ng Puso...

No comments:

Post a Comment