Saturday, June 25, 2011

FIELD VISIT (Pangalawang Araw sa India)

Makakalabas na din ako sa kubkuban ng Dr. Marri Chenna Reddy Human Resource Development Institute sa Jubilee Hills. Maipapalit ko na din ang baon kong ilang pirasong dolyar sa rupee. Makakapamili na din ng kung ano-anong ipapasalubong. At sa wakas ay makakakain na ng hindi maanghang sa McDonald's.

Pero akala ko lang 'yun dahil kinailangan kong pumasok sa bahay ng isang ale na may matagumpay na milling shop [unang larawan], manood sa pulong ng isang self-help group ng mga kababaihan at makipagkuwentuhan sa isa pa [pangalawang larawan], busisihin ang isang marketing project, dumalaw sa parang isang day care center [pangatlong larawan], pumasyal sa isang sustainable agriculture farm [pang-apat larawan], at magtapos sa parang isang community alternative school center para sa mga may kapansanan. At lahat ng iyan ay may kinalalaman sa negosyo ng pagpapautang na kung tawagin ngayon ay microfinance.





Dahil 4 pm na nga kami nananghali at medyo pagod na sa kalilibot, itinulog ko na lang ang biyahe pauwi. Wala akong nabiling yosi at alak. Buti na lamang at nakunan ko ang nag-iisang Hindu temple sa dinalaw naming lugar... 

No comments:

Post a Comment