Monday, March 07, 2011

ENGKUWENTRO

Iba ang bulong ng mga anghel sa martsang ito. Pero sige, kailangang gawin. Plantsado na ang plano.

Narating nila ang barikada. Bakit kaya walang negosyador ang kabila? At kakaiba ang salansan ng mga hapon: pulis sa harap kasunod ng mga armadong marines bago ang barikadang barbed wire at mga bumbero sa likod. Baliktad yata.

Nag-umpisa ang gitgitan. Maingay. Pero malinaw ang narinig niyang atas mula sa dalawang heneral: "Fire!".

Pumutok. Bumuka. Bumulagta.

Naganap ang engkuwentro 24 taon na ang nakakaraan. Pero di niya kailanman makakalimutan ang pangalan ng 13 pinaslang n'ung araw na yun...

Nabalahaw ang peace talks. Tagumpay ang plano ng mga pasista.


TALABABA: Ang larawan ng simbahan ng Calatagan sa itaas ay inaalay sa alaala ng mga biktima ng isang trahedya na naganap 24 taon na ang nakakaraan.   

No comments:

Post a Comment