Friday, June 25, 2010

MGA TITIK NA INIUKIT SA BALAT NG TAONG PUTIK

Hindi ako nagpunta sa taunang parada ng mga Taong Putik sa Bibiclat.

Una, dahil nagbago na naman ang iskedyul nitong si Oyet.

Pangalawa, wala na akong ganang i-shoot pa ulit ang mga nakunan ko na noon lalo na’t madaming mga usisero.

Naglaho na ang misteryo ng ritwal.

Kaya’t pagdaan nina Oyet, Tolits at Cez sa opis para maligo ay pinagtiyagaan ko na lamang kunan ang matigas na putik na kumapit sa balat at pansamantalang nagtago sa mga tato ng pinakabagong Taong Putik.

Sa Siem Reap ibinurda ang mga tato ni Oyet.

Pitong oras ang inabot sa halagang 30 dolyar.

Pagkatapos ay hinimatay itong si Oyet nang makakita ng isang turistang kumakain na pinapanood ng isang bata na sini-shoot ng isa pang turista.

Hindi ko maintindihan ang koneksiyon pero ganun daw yun.

Iyon marahil ang binanggit ng nagtatak sa kanya na isang malaking labanan pagkatapos maisagawa ang ritwal.

Sabi naman ng kapatid niyang nurse ay epekto marahil ng toxin mula sa ginamit na tinta ng pinaghalong katas ng tubo at dinurog na uling.

Nasa ibaba ang tato.

Masdang mabuti at diyan nakalagak ang mga susunod na labas sa lotto.

1 comment: