Thursday, May 06, 2010

KUNG BAKIT HINDI KO IBOBOTO SI NOYNOY

Hindi ko iboboto si Noynoy bilang paggalang sa alaala ng isang krimen na naganap sa Mendiola at hustisyang hanggang sa ngayon ay niyuyurakan ng anino ng Hacienda Luisita na bantayog ng mga panginoong may lupa at oligarkiya.

Hindi ko iboboto si Noynoy dahil nanay niya si Cory na siyang may akda ng total war policy, na nagmatigas sa pagbabayad sa hindi makatarungang utang panlabas ng Pilipinas, na nagpumilit sa pamamalagi ng mga base militar ng Amerikano sa Pilipinas, at sumunod sa mga dikta ng IMF-World Bank.

Hndi ko iboboto si Noynoy dahil wala siyang nagawa para sa kapakanan ng sambayan sa kanyang paninilbihan bilang kongresman at senador.

Hindi ko iboboto si Noynoy dahil namatayan siya ng nanay. Ako at marami pang anak ay namatayan din ng mga nanay --- mga bayaning walang bantayog na iginapang ang aming mga pamilya sa kabila ng hirap sa buhay na pinalalala ng mga polisya ng mga pamahalaang sa matagal na panahon ay naging kabahagi ang mga Aquino at Cojuangco.

Hindi ko iboboto si Noynoy dahil kapag ginawa ko ito ay tuluyan ko nang tinalikuran ang dinatnang pangarap: babangon at uunlad ang bayan sa pamamagitan ng isang bagong pulitika na manggagaling sa lakas ng mga pamayanan…

No comments:

Post a Comment