Saturday, October 31, 2009

AWIT NG ANAK-LUPA



Ang sumusunod ay akda ni Shubert Ciencia na nilapatan ng musika ni Nine Alcanzare para sa palabas ng LAHAR-GL noong 1993 sa CLSU.

MAGSASAKA:
Oo, tayo’y anak pawis
Sa araw at putik amoy panis
PInanday tayong mga lilik
Upang ang mundo’y ipaggiik

Huwag mong naising ipagpalit
Ang pamana sa pangarap na pilit
Ito’ng tumighaw sa dalit
Ng mga anak ng diyos na iniibig

Mabigat man ang araro at lubid
Madawag ang damo sa bukid
Lupa’y di dapat lisanin
Ito ang nagsilang sa mga bituin

AYTA:
May tuwa at galak na pagmasdan
Mga biyayang sa ati’y inilaan
Mga salagubang na nagliliparan
At papayang nagyayabangan

Kaydaming pangil, sungay at pakpak
Nakikipagtaguan sa mga bayawak
Namamahay sa mga puno at lungga
Tinutukso mga mangangaso ni Bathala

Apo Mallari, maraming salamat
Sa handog mong buhay at alamat
Lupang nagsilang sa lipi mong mahal
Binhi ng buhay na aming binubungkal

1 comment:

  1. It's such an honor na nakasama ako sa mga jam si kuya nine nung nasa CLSU pa ako. his music anf passion really inspire me to keep playing music until now.. nasan ka na kuya nine???

    ReplyDelete