Monday, March 02, 2009

PLUMANG TANSAN 1

Pagkatapos ng ulan
sumisingaw ang init ng lupa
tinutunaw ang tintang dumikit
sa damuhan
upang muling hugutin
sa gabing nahamugan
ang mga tulang sumanib
na sa kawalan.
Sa ganitong panahon
lumalabas ang anino ng buwan
tinatanglawan ang sandaling
kapayapaang naghahanap sa
nawawalang katahimikan.

Pagkatapos ng ulan
umaalpas ang damadamin
sa katotohanan
tumatagos
sa imposible’t kabalbalan.
Sa ganitong panahon
hayaan mong matulog
ang kinabukasan
upang makapagsayaw ang ulap
sa kalangitan
at himuking umasa
ang nahihibang.
Sa gayon,
bukas, makalawa, at kailanman
muling bubuhos
ang malakas na ulan.
--- 89-csl011870



(Ang tula ay isinulat noong 1993 sa CLSU samantalang ang larawan ay kuha noong 1997 sa UP.)

No comments:

Post a Comment