Monday, February 02, 2026

THE PHANTOM BIKER UNMASKED

Alas-9 ng gabi,
umuugong ang antok na dumuyan sa iginagayak na midyear interim report

Ala-1 ng madaling araw,
unang gising at ihi, pahabol na sulsi sa binibihisang Meeting at Convening

Alas-3:30 ng madaling araw,
pangalawang gising upang magpaantok sa panonood ng Manila Visit sa TV 

Alas-5 ng umaga,
matapang na kape ang malabnaw na uhog ng mga kuwentong barbero sa ALT

Alas-6 ng umaga,
kumagat sa manipis na social protection ng basurero ang ngipin ng amihan

Alas-7 ng umaga,
nagbaba ng maskara ang nakabisiklesta upang mahuli ang amoy ng YOSAS 


Huling Sabado ng Enero,

sa Bakal 2 napulot ng namalengke sa Munoz ang mga milyahe na sininop ng mekaniko ng botika sa Guimba

na sinuhulan ng sunog na mani at ginayat na tokwang nasagip  ng plantsador sa lingguhang sanggunian


Unang araw ng Pebrero,

ang pagsusumamo sa Mahal na Birhen ng Lourdes ni San Husep na ipagtanggol ang mga may karamdaman 

at kay Padre Pio sa mayamang bahagi ng Libis, ang pintakasi ng pagpapagaling, ng pagdurusa, ng kirot



mga pagdiriwang at pag-aalay ng masaganang dulang at Amor Del Mar mula sa kusina ng mga Tausug sa Morato