Saturday, July 21, 2012

CONFESSIONS OF SERIAL PHOTOGRAPHER


Dear blog,

Dahil bumili ako ng bagong camera ay bigla kong naalala ang aking paglalakbay bilang isang maniniyot. Nagsimula ako na "wala lang" gamit ang camera ng aming opisina. Pero noon pa man ay ayaw ko nang pumitik ng mga taong naka-pose. At kahit wala akong formal training sa photography ay masasabi kong may mga lumilitaw nang mga elemento ng komposisyon sa aking mga kuha.

Nito ko na lamang nalaman na ang kamerang pinagpraktisan ko noon ay isang CanonEpoca. Dito ako na-break in at dito ko kinunan ang una kong lumang simbahan sa Baclayon, Bohol.


Pero hindi ang simbahan sa itaas ang paborito kong kuha noon kundi ang Tappiya Falls sa Batad, Banaue, Ifugao kung saan pinag-pose ko pa ang aking mga kumpareng sina Andreng, Arden at Dojoe para kako makita ang magnitude ng talon.


Winala ni Pare Ermin ang aking "first love" kaya ang mga sumunod na kabanata ay ang pakikiapid ko sa samutsaring mga hiram ding camera. Hindi ko na matandaan ang kanilang mga pangalan at kuha maliban sa isang SLR na hiniram ko kay Nona na dinala ko sa Bangkok. Dito ko unang kinunan ang Wat Saket at ang sementeryo nito.


Pagkatapos ng kabanatang ito ng paglalandi ay ipinakilala ako ni Pareng Oyet sa flickr at pagba-blog. Siya rin ang nagsabi sa aking hanapin ko ang kwento ng aking pamilya sa mga records ng mga lumang simbahan. 'Yung pansit ay dumating na lamang sa bandang huli. Dahil nga dito kaya nakumbinsi ko ang aking boss na payagan akong bumili ng bagong camera. At dito dumating sa buhay ko si Olympus Camedia point-and-shoot na matagal kong naging kaulayaw sa pagpitik sa mga lumang simbahan at iba't-ibang putahe ng pansit, hanggang sa bumigay ang sliding cover ng lente nito. Bitbit ko ang kamerang ito sa mga naging biyahe ko sa Cambodia, Pakistan at sa Japan kung saan nasabi sa akin ng aming Japanese coordinator na "You have a way of taking pictures" matapos makita ang mga kuha ko.


Ang kamerang masasabing tunay kong pag-aari ay isang Nikon D40 na ibenenta sa akin ni Boss Joey tatlong buwan matapos ko siyang samahang bilhin ito sa camera shop ni Mang Ramon sa Quiapo. Ang deal nnamin ay 4-gives at 1k para sa aking bunso na inaanak niya. At ito na ang aking naging kaulayaw sa mabahabang panahon. Dito ako natuto sa seryosong photography kasama ang panakanakang mga tips mula kina Boss Joey at Hermo na hanggang sa ngayon ay masasabing tanging naging training ko sa photography.


Bumigay ang shutter ng aking Nikon D40 minsang hiniram ng aking panganay na si Bulan para sa kanyang photography worksahop sa iskuwela. Ipinaayos ko ito 'dun sa Kamuning pero bumigay ulit ng dalhin ko sa Coron, Palawan. Siguro ay panahon na niya kaya minabuti kong muling isilid sa kahon na pinaglulalan niya noong una siyang dumating sa akin. Matagal din akong naulila at nagtiyaga sa camera ng aking mga mobile phone. Hanggang sa kumbinsihin ako ni Usec. Fred Serrano na subukan ang mirrorless technology ng Olympus na kamuntik nang ikapasubo ng aking credit card sa Bonn, Germany. Hanggang sa ipakita sa akin ng aming Boss Joey ang itsura at specs ng Olympus O-MD EM-5 sa internet. Hanggang sa ayain ko si Jowa na sumaglit sa Mall of Asia matapos ang personal appearance namin sa DFA para sa aming passport renewal.

At sa bungad ng mall ay namalas ko si Olympus O-MD EM-5 na kumakawaykaway sa akin kaya pikitmata kong ipinakaskas ang aking credit card sa halagang P55,220...


Tuesday, July 17, 2012

ANG PRRM CREDO SA AMING PANAHON



Go to the people / Erya

Live among among them / Integ

Learn from them / PVSI

Plan with them / PPDM

Work with them / Mass work

Start with what they know / TNA

Build on what they have / Counterparting

Teach by showing / Pop Ed

Learn by doing / Demonstration

Not a showcase but a pattern / Piloting-mainstreaming

Not odds and ends but a system / SRDDP

Not piecemeal but integrated approach / Sus Dev

Not to conform but to transform / Empowerment

NOT RELIEF BUT RELEASE / Improvement in the Quality of Life

Friday, July 13, 2012

SHOOTING MAITA


HER STORY: She was a medical student at UP turned beauty queen turned political activist turned underground revolutionary.

THE INSIDE STORY OR HOW I TOOK A SHOT AT MAITA: It was a boring conference called "Bantay-Kaban: Kaban ng Bayan, Bantayan!" in Clark-Pampanga where we discussed of things we already knew. It's Maita Gomez facilitating the plenary so I took out my camera, surveyed the best but most inconspicuous vantage point, and clicked 2 or 3 photos. I thought this was the best I got and would post it on flickr and facebook later. That evening, me and Kuya Milo Tanchuling met with a long lost brother from Tayabas Lodge and ended up drinking beer until midnight. That night, I slept at the floor of Pare Amor Cabico's room at the Holiday Inn as the villa where I was supposed to be billeted was locked from inside by my room mates. Weeks later, I learned that Kuya Milo was diagnosed with a Stage 4 metastatic colorectal cancer. Yesterday, the news broke that Maita died in her sleep. Today is Friday the 13th and I am finally posting the photo I took of her...  

Monday, July 09, 2012

FRAMED RECOLLECTIONS

Matapos kong tabasin sa wakas ang mga overgrown yellow bells, tsaang gubat, at isang ewan na halaman sa bakuran ay napagpasyahan kong ituloy na din ang matagal nang planong linisin ang mga inaagiw nang mga nakasabit na artwork sa loob ng bahay.

Mula nang mai-frame at maisabit ang mga artwork na ito ay hindi na nagalaw kaya hindi nakapagtatakang ang agiw ay pumulupot na din sa mga pinagpisahang mga itlog ng butiki, mga ebak ng ipis, at makapal na pinong alikabok na sumundot sa aking allergy rhinitis.

"Hanep ang kuwento," sabi ni Bulan matapos mabasa ang dedication sa likod ng isang lumang pressed metal art work. Ganito ang nakasulat d'un:

"Para kay Shubert,

Isang kasama, kaibigan, kapatid at inaanak...

Matagal din akong nag-isip kung ano ang ibibigay ko sa iyo.

Hanggang minsang napakalakas ng ulan habang ako'y nagmamaneho sa 'di ko na matandaang street sa Project 8 ay pansamantala akong huminto upang palipasin ito at manigarilyo. Tiyempong natapat ako sa isang maliit na tindahan ng mga antique na halos 'di na mapansin. Ako'y namangha dahil lahat ng paninda ay galing Europa at higit sa lahat ay mga dibuhong minsa'y nakita ko na...

Disyembre 1999, Amsterdam, Holland. Habang ako'y naglalakad sa palibot ng Dam's Square ay nakita ko ang isang matanda sa isang sulok na naglalako ng ilang gamit. Napansin ko ang ilang piraso ng mga dibuho sa metal at ang wika niya sa akin, "You know young man, the next gereration art in Europe will be crafted from copper, silver and bronze. And it will begin in Amsterdam. I crafted these things many years back. I knew it was not yet the time, but I still hope my time will come." Tinignan ko lamang siya. Ano 'yon, ala Vincent Van Gogh? Nang sumapit ang gabi at ako'y nakakadalawang lata na ng beer (kailangan kong uminom upang labanan ang lamig) ay nalala ko bigla ang matanda. Why not?

Nang bumalik ako kinabukasan ay wala na siya doon. And still have that guilty feeling from that encounter until I accidentally found that small shop in Project 8.

Ang wika ng may-aring long haired na kabataan pa, "Ibinabiyahe ng nanay ko ito mula Holland. Ang hit doon ngayon ay mangulekta ng ganitong mga artwork." Kumuha ako ng para sa iyo at sa akin. I don't mind the price anymore, ang mahalaga...

...nawala na din ang guilty feeling ko.

Para sa iyo...

mpp/18 august 2003


Sumunod na nilinis ni Bulan ang naka-frame na panyo na may ethnic designs at isang malaking ibon sa gitna na pasalubong ni Madam Irene pagkagaling niya ng India...


...at ang isang dyed artwork ng isang elepante galing kay Doray ng OPI na matapos manggaling sa India ay namatay nang mahulog sa pagkaka-angkas sa motorsiklo habang tumatawid sa isang makitid na tulay sa Penaranda...


...at ang naka-frame na ding 2 piraso ng ancient Roman pottery shards mula sa Holland na bigay ni Claire Tielens na dati naming VSO volunteer at may boyfriend na dahil sa kumplikado niyang pangalan ay tinawag na lamang naming Pepe...


...at ang naka-frame na ding origami ng mag-asawang hapon na regalo ni Chiho Ogaya na nag-research para sa kanyang thesis sa Nueva Ecija at naging girlfriend ni Arden na hanggang ngayon ay hindi pa malaman kung ano na ang naging kapalaran.


Ang sabi ko kay Bulan, "Ipamamana ko sa iyo lahat 'yan balang araw. Ipangako mo lang na hindi mo ipamimigay at ibebenta dahil mahahalaga ang mga iyan sa aking alaala". 

Oo daw sabi niya.